WIKA NG
PAGKAKAISA
Mahigit 333 taong pang-aalipin at dahas ng
mga dayuhan sa mga Pilipino. Napakahabang panahon ng paglukluksa at paghihirap.
Ngunit, nag-iba ng ihip ng hangin, nagka-isa’t
nagtulungan ang mga Pilipino para maghimagsik makamit lang ang lubos na
kalayaan. PAGKAKAISA! Sigaw ng bawat Pilipino sa ikakaunlad ng bawat isa lalong-lalo
na sa ating bansa.
Kakaiba sa lahat ang Perlas ng Silanganan,
ang ating bansa. Saan man sulok ng bansa, dala-dala ng mga Pilipino ang wikang
Filipino. Pagkakaisa ang susi ng Lahat.
Lahat ng mga hindi pagkakaunawaang bagay at mga pagsubok. Wikang Filipino ang
siyang nagpapatatag sa lahat. Ito ay nagsisilibing sandata saan man tumungo.
Taas noong ipinagmamalaki ang ating sariling wika. Iisang layunin, ito ay ang tatahakin
ang makabago at tuwid na landas. Isang paraan ng pagkakaisa ay ang BAYANIHAN.
Binibigyang halaga ang ating kapwa sa anumang oras ng pangangailangan. Bawat
isa’y nagtutulungan tungo sa ikakaunlad ng ating basa.
Sabi nga nila”Walang taong nabubuhay na nag-iisa”Angt kapwa ang siyang sandigan at tumutulong sa
atin. Tayo’y magtutulungan at magkakaisa sa anumang gawain
gamit ang ating sariling wika. Ipadama ang tunay na kahulugan ng PAGKAKAISA.
Your article is great. Though look at the words you type because I saw some mistakes. Do u want some example? Here. "angt" xD just keep it up. You are good
ReplyDelete